Stay in touch
Subscribe to our RSS!
Oh c'mon
Bookmark us!
Have a question?
Get an answer!

Wednesday, 18 July 2012

Myrtle Sarrosa admits crush on Robi Domingo...

0 comments

PBB Teen winner Myrtle Sarrosa admits crush on Robi Domingo; honored to be called "Erich Gonzales look-alike"












Sumalang na sa live interview sa The Buzz last Sunday, July 8, ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Big Winner na si Myrtle Sarrosa.
Pagkatapos nito, naging very accommodating naman siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa isang one-on-one interview.
“Wow, nasa outside world na talaga ako!” sabay tawa niya.  
“I’m very thankful po kasi, parang yung feeling is very blessed na… nakaka-proud po yung feeling na maraming naniniwala sa ‘yo."
May kuwento siya na two years ago, napadaan daw siya sa PBB house at nasabi niyang, “One day, I’ll also be a Big Winner.”
Ibig sabihin ba’y nakakundisyon na sa isip niyang mananalo siya?
“No! Dati talaga, at first lahat naman tayo yata nangangarap ng ganito.
“Nangyari lang na one time nag-vacation ako dito sa Manila, 'tapos nadaanan ako sa PBB house.
“'Tapos sabi ko kay Mama, “One day, I’ll become a housemate and I’ll become a Big Winner.’
“And sinabi ko lang ‘yon out of impulse. At ngayon na nangyari nga na naging Big Winner ako, hindi ko ma-explain yung emotions ko.
“The only word na masasabi ko is… thank you sa lahat.”
LIFE-CHANGING. Ano ang naramdaman niya sa agarang pagbabago sa kanyang buhay matapos manalo sa PBB?
“I guess po, parang there is a bigger responsibility sa akin.
“Na… this title is ibinigay sa akin ng mga tao dahil they saw something in me na nagustuhan nila.
“So, of course, ipagpapatuloy ko po na i-prove yung sarili ko.
“And ipapakita ko rin sa kanila na yung desisyon nila na suportahan ako, hindi sila nagkamali.”

0 comments: