PBB Teen big winner Myrtle Sarrosa’s father almost...
PBB Teen big winner Myrtle Sarrosa’s father almost sent her home; defends daughter from haters
Sa halos lahat ng mga kumpetisyon, hindi lahat ay masaya at sumasang-ayon sa idinideklarang panalo.
Sa kaso ni Myrtle Sarrosa, nag-trending sa social networking sites, tulad ng Twitter at Facebook, ang pagiging Big Winner niya ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4—ngunit sa negatibong paraan.
Nakakuha ng 33.92 percent ng net votes ang tinaguriang “Cosplay Cutie of Iloilo,” na naging dahilan upang talunin niya ang mga housemates niyang sina Karen Reyes, Roy Requejo, at ang kambal na sina Joj at Jai Agpangan.
PART OF LIFE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ama ni Myrtle na si Mr. Rodolfo Sarrosa, sa presscon na inihanda ng ABS-CBN para sa Big Four ng PBB Teen Edition 4, noong July 11, Miyerkules.
Ano ang pakiramdam ng isang ama na ang anak ay inuulan ng negative reactions and comments sa social networking sites?
Sabi ni Mr. Sarrosa, “Okey lang naman yung ganyan, kasi pag may fans ka, talagang may maghe-hate sa ‘yo.
“Kung may magla-like sa iyo, talagang may maghe-hate din sa ‘yo.
“So, I think that’s part of life. Kahit pulitiko, may boboto sa iyo, may boboto sa kalaban mo.
“Pag tinitingnan ko, minsan yung mga haters, gumagawa ng istorya.
“Di ba, may nagla-like? Tingnan mo kung bakit nagla-like, kung ano ang nakikita nila, di ba?
“Pero kung hater ka, parang gusto mong i-project na masama yung isang person.”
LARGE CHUNK OF VOTES. Malaking factor daw na Sangguniang Kabataan Municipal Federation President si Myrtle at konsehal si Mr. Sarrosa sa Barotac Nuevo, Iloilo City.
Ito raw ang dahilan kung kaya napakalaking porsiyento ng boto ang nakuha nito. Idagdag pa na may followers na rin ang 17-year-old costume player.
Sabi ng ama ni Myrtle, “Actually, ang nakakatuwa niyan, mga nanay ang may gustung-gusto sa kanya.
“Yung matatanda na nakakausap namin, sila ang botong-boto at natutuwa raw kay Myrtle.
0 comments: